Limang suspek ang inaresto sa ikinasang joint operation ng pinagsanib pwersa ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) Drug Enforcement Unit, District Intel Division at District Mobile Force Battalion sa No. 79 Extension, C6 Service Road, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City
Kinilala ang mga suspek na sina Christopher Estillore Oroyan, 47-anyos, maintainer ng drug den; habang kasamang inaresto ang mga users o gumagamit ng ilegal na droga na sina Mark Jacinto Mamonon, 46-anyos na isang land lord; Ronaldo Ocampo Marcelino, 55-anyos; Domingo Tabamo Mata, 49-anyos; at Felizarda Amarillo Imson, 49-anyos.
Ayon kay SPD Dir. B/Gen. Jimili Macaraeg nakumpiska sa mga suspek ang nasa 42 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P285,600 at mga baril kabilang na ang colt caliber .45; punisher caliber .45; pietro beretta caliber .22; tatlong magazines, mga bala ng nabanggit na mga baril, sling bag, eyeglasses case, coin purse, at buybust money na ginamit sa operasyon.
Pansamantalang nakapiit sa SPD Custodial Facility ang limang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive of Firearm and Ammunitions Regulatory Act.