Target ng Philippine National Police na maideklarang “Drug Free” ang mahigit 8,000 barangay sa bansa.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., kabuuang 8,288 ang nasa impluwensya parin ng iligal na droga habang 76.67 % o katumbas ng 35,356 na mga barangay mula sa kabuuang 42,000 na barangay sa buong bansa ang drug –free na.
Batay sa datos ng PNP, pinakamalaking bilang ng drug-cleared sa bansa ang CALABARZON na nasa 97.06 % ; sinundan ng Cagayan Valley Region na nasa 95.55% ; at Cordillera Region na nasa 95.22 % .
Samantala, nakapagtala naman ng 94.52 % na Drug Clearance Rate ang Eastern Visayas, habang 89.37 % naman ang Central Mindanao.
Ikinatuwa naman ng PNP Chief, ang patuloy na pagsusumikap ng mga kaniyang mga para ipatupad ang Barangay Drug Clearing Program na sinimulan noong pang July 2016 sa ilalim ng Administrasyong Duterte.