Inihayag ng pamunuan ng Food and Drug Administration (FDA) na tanging mga drug manufacturer, distributor at pamahalaan lamang ang pupwedeng manghingi ng emergency use authorization (EUA) sa ahensya para magamit ang bakuna na nagpapatuloy ang pag-aaral.
Ayon kay FDA Director General, Dr. Eric Domingo, hindi porke may EUA na, ay handa na sa commercial use ang bakuna.
Paliwanag ni Domingo, hindi naman kinakailangan na mismo ang manufacturer ang mag-apply ng EUA.
Mababatid na sang-ayon sa executive order 121 na pinirmahan ng punong ehekutibo, pinapayagan nito ang fda na mag-isyu ng e-u-a para sa gagamitang bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod nito, ibababa rin ang ‘processing time’ para sa pa-aabruba ng bakuna mula noong anim na buwan sa ngayo’y 21 araw.