Lumobo pa sa mahigit isanlibo ang drug personalities na sumuko sa mga otoridad sa South Cotabato.
Kasunod na rin ito ng takot ng mga naturang drug personalities sa mas pinalakas na kampanya kontra illegal drugs operations.
Pumapalo na sa dalawandaan apat naput pito ang mga sumukong drug personalities sa Koronadal city.
Nasa 184 naman ang drug personalities na sumuko mula sa bayan ng T’boli, 165 sa Surallah, 163 sa Sto Niño bukod sa mga sumuko sa mga bayan ng Tupi, Norala, Lake Sebu at Tampakan.
Samantala, ayon sa monitoring ng provincial police office, naging matumal na ang bentahan ng droga sa lalawigan matapos ang sunud sunod na pagsuko ng drug personalities.
Tila nangyayari umano ang law of supply and demand sa drug trade kasabay nang takot sa Oplan Rody o dahil na rin sa idineklarang giyera laban sa iligal na droga sa papasok na Duterte administration.
By: Judith Larino