Isang magandang simula umano para sa Universal Health Care Program ang ginawang paggamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang regulatory powers para magpatupad ng maximum retail price sa mga gamot sa hypertension, diabetes at cardiovascular disease.
Ayon kay Senadora Risa Hontiveros, natutuwa siyang pinaboran ng pangulo ang kaniyang panawagan para pakinabangan ang kapangyarihan nitong mapababa ang presyo ng mga gamot.
Ani Hontiveros, halos isang dekada nang hindi nagagamit ng isang pangulo ang regulatory powers kung saan maaaring magpatupad ng maximum retail price sa mga gamot batay sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).
Dagdag pa ng senadora, malaking porsyento ng pondo para sa kalusugan ang napupunta lamang sa mga gamot.