Naniniwala si Senador Richard Gordon na posibleng ginagamit ang isyu ng tinaguriang drug queen sa Maynila para mapagtakpan ang usapin sa ninja cops.
Sinabi ni Gordon na nagtataka siya kung bakit lumutang ang mga akusasyon laban kay suspected drug queen Guia Gomez Castro na duda niya ay ginagamit para maalis ang posibleng testigo laban sa mga senior police officials.
Ayon kay Gordon maaaring maraming nalalaman si Castro laban sa mga senior police officials na ito.
Kaugnay nito kinuwestyon din ni Gordon ang timing ng pagpapalabas ng impormasyon hinggil kay Castro matapos isiwalat ni dating PNP CIDG Chief Benjamin Magalong ang agaw bato scheme.
Samantala ipinabatid ni Gordon na sinusubukan niyang mag imbita ng isang aktibong pulis na maaaring makatulong sa pag suporta ng mga inilabas na impormasyon ni Magalong sa executive session sa Senado noong September 19.