Binigyang – diin ng dalawang mahistrado ng Korte Suprema na iligal ang drug raid na isinasagawa ng Philippine National Police o PNP sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.
Ayon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio, paglabag sa “right to privacy” ang sapilitang pagpasok ng mga pulis sa bahay ng mga hinihinalang drug suspects sa gitna ng kanilang ginagawa nilang ‘build up’ sa kaso ng mga ito.
Para naman kay Associate Justice Marvic Leonen, isang paglabag sa batas ang agarang pagsasailalim sa mga drug suspects sa ‘custodial investigation’ nang wala pang abogado.
Nauna dito, iginiit ni Atty. Jose Manuel Diokno mula sa grupong Free Legal Assistance Group o FLAG na sapilitang pumapasok ang mga pulis sa bahay ng mga drug suspects na walang kaukulang Court orders.