Pumapalo na sa halos 1 milyon ang bilang ng mga drug surrenderee sa buong bansa ngayong kapaskuhan.
Batay sa datos ng Philippine National Police o PNP mula July 1 hanggang December 25, umaabot na sa 977,430 ang naitalang drug surrenderees sa ilalim ng Oplan Double Barrel ng pambansang pulisya.
Sa naturang bilang, 74,545 rito ay mga pushers habang 902,885 ay mga users.
Nasa 5,665,584 naman na mga kabahayan ang kanilang binisita sa ilalim ng Project Tokhang.
Sa ngayon, nasa 39,967 na drug operations ang ikinasa ng PNP kung saan nasa 2,150 na ang nasawi habang 42,470 naman ang arestado.
By: Meann Tanbio