Naging killing field ng drug suspects at mga inosenteng sibilyan ang Pilipinas sa loob ng anim na taon o sa Duterte administration.
Ito ang tila ipinamukha ni Congressman Bienvenido Abante, miyembro ng Quad Committee sa dating pangulong rodrigo duterte sa pagharap nito sa unahang pagkakataon sa pagdinig hinggil sa war on drugs ng kanyang administrasyon.
Ayon kay Congressman Abante, Chairman ng House Committee on Human Rights, tinalo pa ng bansa ang Mexico at Colombia kung saan walang 10,000 ang nasawi sa kampanya ng mga nasabing bansa kontra iligal na droga gayung sa Pilipinas ay nasa mahigit 30,000 ang nasawi kung saan 7,000 lamang dito ang drug suspects.
Sinuportahan aniya nila ang war on drugs ng dating pangulo bagama’t nadismaya kalaunan dahil libu-libong Pilipino ang nasawi sa operasyon bukod pa sa pangako nitong tatapusin ang problema sa iligal na droga sa loob lamang ng anim na buwan na inabot ng anim na taon.
Ipinaalala rin ni Congressman Abante, isang Baptist Pastor na ibinoto niya at buong baptist church ang dating pangulong Duterte nuong 2016 presidential election.