Nadagdagan pa ng walo (8) ang drug suspects na napatay sa Bulacan sa nakalipas na 12 oras.
Dahil dito, pumalo na sa 29 ang kabuuang napatay sa anti-illegal drugs operations ng Bulacan sa nakalipas lamang na 24 oras.
Kabilang sa mga huling napatay ang live in partners na kinilalang sina Victoria dela Cruz at Alvin Marquez ng Barangay Atlag Malolos Bulacan.
Ayon kay Superintendent Heryl Bruno, Hepe ng Malolos PNP, pinaputukan ng dalawa ang mga pulis habang papasok sa kanilang kuwarto para sana mag-serve ng warrant of arrest.
Ang kabuuang 29 na napatay na drug suspects ay mula sa mga isinagawang operasyon ng pulisya sa Balagtas, Baliuag, Bulacan, Calumpit, Guiguinto, Marilao, Norzagaray, Obando, Plaridel, Pulilan, San Jose del Monte, San Miguel at Sta. Maria.
By Len Aguirre