Inamin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde na may mga drug personality ang napatay ng mga pulis kahit pa sumuko na.
Ito’y aniya, ang ilang drug surenderees ng Oplan Tokhang na inoperate ng pulisya matapos mapatunayang bumalik ulit sa iligal na droga.
Ayon kay Albayalde, akala ng ilang drug suspek na ligtas na sila oras na sumuko at mabura ang kanilang pangalan sa drug list.
Ang hindi aniya alam ng mga ito, binabalikan ng mga pulis ang drug surenderees para matiyak na hindi na talaga masasangkot pa ang mga ito sa iligal na droga.
Aminado naman si Albayalde na kulang ang rehabilitation program ng gobyerno kaya bumabalik sa droga ang ilang nagsisuko na.
Matatandaang inilabas ng SWS o Social Weather Station ang kanilang survey na nagsasabing 63% ng mga Pilipino ang naniniwalang may mga drug suspek ang sumuko na pero pinatay pa rin.
Yung iba naman talagang ginawa lang na nag-surrender para akala nila mabura sila dun sa listahan.
Porke mag-surrender sila, akala nila pwede nilang ulitin o gagawin ulit ‘yung kanilang ginagawa.
Hindi po ganun ang ano dyan, there is validation being conducted pero validation na ‘yung mga taong ito hindi naman sila tumigil so inoperate pa rin sila ng ating mga pulis.