Nagkakaubusan na umano ng suplay ng shabu sa Pilipinas kaya’t may bagong pinagkakaabalahan ngayon ang mga sindikato ng iligal na droga.
Ito ang isiniwalat ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagharap sa mga opisyal at miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Ayon sa Pangulo, lumipat na sa kidnapping ang mga sindikato para makakalap ng pondo dahil unti-unti na aniyang nasasaid ang suplay ng droga sa bansa.
Magugunitang anim na insidente ng kidnapping ang naitala sa Binondo, Maynila nitong nakalipas na tatlong linggo na kasalukuyang tinututukan ng Pulisya.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
‘Joke Only’
Samantala, nakapuntos at tila nakaganti ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko makaraang mapaniwalang nakausap nga niya ang Diyos.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng Intergrated Bar of the Philippines o IBP Regional Convention, kabisado na siya ng mga Davaoeño kung ang sinasabi niya ay isang uri ng biro o seryosong pahayag.
Magugunitang inihayag ng Pangulo pagbalik ng bansa mula sa Japan na nakausap umano niya ang Diyos at pinagsabihan siyang tigil na ang pagmumura.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Hindi rin pinansin ng Pangulo ang panibagong bansag sa kanya na schizo o schizophrenic na isang uri ng sakit sa pag-iisip.
Kasabay nito, muli na namang pinalutang ng Pangulo ang umano’y planong pag-aaklas laban sa kanyang administrasyon.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)