Sinisimulan nang balangkasin ng CHED o Commission on Higher Education ang pagsasama sa drug test bilang bahagi ng admission requirements sa mga kolehiyo at unibersidad.
Ito ay matapos na maitala ang higit apat na libong (4,000) mga kabataan ang kabilang sa milyon-milyong mga sumuko sa Oplan Tokhang.
Ayon sa CHED, pinaplantsa na legal na usapin sa memorandum order sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Department of Justice o DOJ.
Pinag-aaralan pa ang magiging ang ilalatag na conditional enrolment sakaling magpositbo ang isang estudyante sa paggamit ng iligal na droga.
Posibleng maipatupad ang mandatory drug testing sa mga estudyante sa kolehiyo sa susunod na taon.
By Rianne Briones
Drug test requirement sa mga kolehiyo binabalangkas na ng CHED was last modified: June 23rd, 2017 by DWIZ 882