Isinusulong ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert ‘Ace’ Barbers na gawing mandatory ang drug test sa mga opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Barbers, ito ay upang tuluyang maging epektibo ang kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Sinabi pa ni Barbers na tunay na walang pangil ang batas ng gobyerno para gawing compulsory requirement ang pagpapa-drug test ng mga kakandidato dahil sa naunang ruling ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional.
Gayunman naniniwala ang kongresista na dapat itong hanapan ng paraan sa pamamagitan ng apela o gawing legal sa ilalim ng aamyendahang konstitusyon.
—-