Ipinag-utos na ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation ang pag-build up ng kaso laban sa 150 pulis na sangkot sa pagpatay sa 50 drug personalities sa gitna ng giyera kontra droga ng gobyerno.
Ayon kay DOJ Secretary Menardo Guevarra, nirerepaso na ng panel ang 52 drug war cases at nakakita ng posibleng criminal liability sa panig ng mga pulis.
Base anya sa mga nakalap na ebidensya ng PNP – Internal Affairs Service, bukod sa administrative liability, lumitaw din ang criminal liability ng mga pulis.
Tiniyak din ni Guevarra ang kahandaan ng DOJ Na makipagtulungan sa PNP Sa pagsasagawa ng regular na imbestigasyon sa mga drug war case upang makita kung lehitimo ang mga isinagawang operasyon.
Sakaling mapatunayan ng NBI Na sapat ang mga ebidensyang nakalap ng IAS ay agad magsasampa ng kaso laban sa mga sangkot na pulis. — Sa panulat ni Drew Nacino