Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government ang pagtutok sa pagpigil sa mga “future buyers” ng illegal drugs sa pagpapatuloy ng giyera kontra droga.
Inihayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang special focus ay para sa kabataan na anya ay paboritong puntiryahin ng illegal drugs syndicates.
Kailangan anyang ibahagi ang mensahe at kahalagahan ng buhay at kung paano ang buhay ay magiging maganda na hindi gumagamit ng iligal na droga at hindi nadadawit sa mga iligal na aktibidad.
Idinagdag ng kalihim na ipa-proyoridad ng Kagawaran ang pagkakaroon ng airtight cases sa illegal drugs upang matiyak ang “conviction” ng mga guilty parties.