Nalalapit na ang araw ng mga druglord para maging pataba sa mga sementeryo.
Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagtitipon sa 20th Founding Anniversary ng Premier Medical Center sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, Miyerkules, Enero 17.
Sinabi ng Pangulo na nakakalat na sa halos lahat ng bahagi ng bansa ang iligal na droga at karamihan sa mga protektor ng sindikato ay mga barangay chairman, alkalde, pulis at iba pang halal na opisyal.
Samantala, ipinakita rin ng Pangulo sa mga taga-Cabanatuan ang narco-list na naging dahilan para maging alipin ng droga ang may apat na milyong pilipino.
Pres. Duterte on Martial Law Declaration
Hindi magdedeklara ng Martial Law si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang pagdalo sa 20th Founding Anniversary ng Premier Medical Center sa Cabanatuan City, sinabi ng Pangulo na kung magdedeklara man siya ng batas militar, tahimik lang at hindi magiging katulad ng ginawa ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos na may anunsyo pa sa telebisyon noong September 23, 1972.
Matatandaang sabado ng gabi sa harap ng mga negosyante sa Davao City, nagpahayag ang Pangulo sa posibilidad ng pagdedeklara ng Martial Law kung malala na ang sitwasyon sa bansa.
Sa ilalim ng konstitusyon, maaaring kwestyunin sa Korte Suprema ng kahit na sino ang batayan ng Martial Law declaration.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping