Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang dapat bayaran ang mga provincial bus na pumapasok at lumalabas ng North Luzon Express Terminal (NLET) sa Bocaue, Bulacan.
Taliwas ito sa pahayag ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson, isa sa mga owner ng bus liner na bumibyaheng Norte, na may binabayaran silang 100,000 pesos na per slot ng bus sa NLET.
Ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion, sa katunayan aytinanggal ang lahat ng fees sa nasabing integrated terminal.