Umarangkada na ang dry run ng cashless toll collection sa Manila-Cavite Expressway o CAVITEX.
Saklaw ng dry run para sa full cashless system ang Parañaque at Kawit toll plazas.
Kaugnay nito, dapat na mayroong radio frequency identification o RFID ang mga motorista na dumadaan sa CAVITEX toll plazas.
Una nang sinabi ng PEA Tollway Corporation, operator ng CAVITEX, na aalisin na ang mga cash lane sa isasagawang dry run, ngunit papayagan pa rin namang makadaan ang mga motoristang walang RFID.
Gayunman, oobligahin na ang mga ito na magpakabit ng RFID sticker sa kanilang mga sasakyan.
Sa oras na matapos ang dry run, pagmumultahin na ang mga motoristang walang RFID stickers, maging ang mga walang sapat na load at mga gagamit ng tampered o pekeng RFID device.