Ilalarga na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng ‘provincial bus ban’ sa EDSA simula ngayong araw.
Muling inabisuhan ng MMDA ang publiko lalo na ang mga mag-uuwian mula sa mga probinsya na bawal nang magsakay at magbaba ng pasahero sa EDSA.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Head Bong Nebrija, sa mismong terminal na ng mga bus magbababa at magsasakay ng pasahero.
Nagpatupad na rin anya sila ng “no day off, no absent” policy sa kanilang hanay sa gitna ng pagdagsa ng mga pasaherong nag-uuwian sa Metro Manila simula kagabi.
Samantala, pagmumultahin naman ang mga driver ng mga provincial bus na hindi susunod na patakaran.
Ang paghihigpit sa mga provincial bus ay bahagi pa rin ng programa ng MMDA na bawasan ang mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA.