Sinuspinde na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng dry run sa pagbabawal sa mga provincial bus sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, pansamantalang itigil ang provincial bus ban hangga’t hindi pa naisasagawa ang pulong kasama ang Department of Transportation at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Aniya, kanilang ipagpapatuloy ang dry run oras na maplantsa na nila ang guidelines at implementing rules para dito.
Gayunman, nilinaw ni Garcia na patuloy pa rin ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘no loading and unloading’ policy sa EDSA.