Naging matagumpay ang ginawang dry run ng stop and go scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa opening ceremony ng 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, 16 sa 20 bus ang nakarating sa tamang oras sa Philippine Arena sa Bulacan.
Aniya, pinakamalaking hamon para sa kanila ang presensya ng mga pasaway na pribadong sasakyan na nasa yellow lane.
Paalala ni Nebrija, pagbabayarin ng P1,000 ang sinumang mahuhuling nasa yellow lane sa panahon na gagamitin ito ng mga convoy ng mga delegado ng SEA games.
Gaganapin ang opening ceremony ng sports tournament sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena.