Pinaplano ng Department of Education o DEPED na magsagawa ng dry run para sa limitadong in-person classes sa higit 100 paaralan sa bansa oras na payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, unang balak ng kagawaran na gawin ito sa 100 schools pero nagdagdag sila ng dalawapo pa para sa private schools.
Sabi pa ni Malaluan na si Education Secretary Leonor Briones ang nagsabi na magdagdag ng alokasyon sa dry run para sa mga private schools at pabor naman ito aniya sa department of health.
Parte ng plano ng deped ang nasabing dry run para dahan-dahan ibalik ang face to face classes na nahinto dahil sa banta ng COVID-19.
Magbabalik naman sa Setyembre 13, 2021, lunes ang klase ng mga public schools sa bansa.—sa panulat ni Rex Espiritu