Muling ipagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang dry run para sa zipper lane sa Commonwealth Avenue ngayong araw.
Pangungunahan anila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng EEI na contractor ng Metro Rail Transit (MRT-7) ang dry run mula alas-6 hanggang alas-11 ng umaga.
Ilan sa mga itinalagang entrada ng zipper lane ay ang Luzon Avenue sa Tandang Sora at isa sa harap ng UP – Ayala Technohub at magtatapos sa Commonwealth eastbound at University Avenue patungong UP Diliman.
Dahil dito, sinabi ni Quezon City Assistant Administrator Alberto Kimpo na asahan na ang pagbigat ng daloy ng trapiko sa lugar dahil sa ipatutupad ding stop and go traffic scheme.