Umarangkada na ang dry run para sa muling pagbubukas ng Boracay Island.
Kasabayan nito ang medical mission sa Barangay Manok Manok kung saan rin ginanap ang salubungan ng mga opisyal ng pamahalaan at mga Aklanon bago ang ceremonial opening.
Department Secretaries and local officials grace the 1st day of the Dry Run in Boracay Island today. pic.twitter.com/KgmUs59XmW
— DENR (@DENROfficial) October 15, 2018
Sec Cimatu leads the countdown to declare the waters of Boracay as fit for swimming. pic.twitter.com/O4miQDN5H1
— DENR (@DENROfficial) October 15, 2018
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Director Jonino Bonito Padilla, makikita sa dry run kung mayroon pang mga dapat baguhin sa mga nailatag nang bagong panuntunan bago ang soft opening sa October 26.
Nasa isandaan at limampu’t dalawang (152) establishments na ang pinayagang makapagbukas matapos na makasunod sa mga itinakdang requirements ng inter agency task force.
Naging prayoridad sa dry run ang mga lokal sa Aklan kung saan isang libong (1,000) kuwarto ang inihanda para sa kanila ngayong araw na ito at isang libo pa para bukas.
Una nang inihayag ng Task Force Boracay na lilimitahan na lamang sa anim na libo (6,000) kada araw ang bisita sa Boracay Island.
“Tinatawag namin ito sa communications campaign dito na Boracay reform, ibig sabihin kung anong nakikita noon na wala pang influx ng tao, wala pang mga residenteng masyado ay ganun ibinalik, binuhay muli ang Boracay, virgin island na babalik ito.” Pahayag ni Padilla
(Tolentino Online Interview)
Land reform certificate
Samantala, personal na ipapamahagi ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lumad ang land reform certificate sa Boracay Island.
Hindi nagbigay ng detalye ang Pangulo kung kelan niya ito isasagawa dahil ayaw aniya niya na ibandera pa ito.
Nauna nang ipinasara ng Pangulo ang Boracay Island matapos niyang tawaging cess pool ang karagatan doon.
____