Itinakda sa January 11 hanggang 23 sa susunod na taon ang dry run para sa face-to-face classes sa mga low risk areas o may mababang kaso ng hawaan sa COVID-19.
Ito ang inanunsyo ng malakanyang matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon ng Department of Education hinggil dito.
Ayon kay Presidential Spokesperso Harry Roque, mahigpit na i-mo-monitor ng DepEd at COVID-19 National Task Force ang naturang dry run.
Sinabi ni Roque, itinakda naman sa huling linggo ng enero ang deadline sa pagsusumite ng DepEd kay Pangulong Duterte ng reports hinggil sa kinalabasan ng dry run sa face-to-face classes.
Dito aniya ibabatay ang magiging pinal na rekomendasyon o pagpapasiya ng Pangulo sa usapin ng pagbabalik ng face-to-face classes.
Iginiit naman ni Roque na boluntaryo lamang at kinakailangan ng permiso mula sa mga magulang ang padalo ng mga estudyante sa face-to-face classes.