Sinimulan na kaninang umaga ng MMDA o Metro Manila Development Authority, ang tatlong araw na dry run para sa pagbabawal sa magagaan na truck sa EDSA at sa Shaw Boulevard, bago ito tuluyang ipatupad sa Lunes, Marso 20.
Sa kanilang advisory, bawal dumaan sa South Bound Lane ng EDSA at sa kahabaan ng Shaw Boulevard, ang mga truck na may timbang na 4, 500 kilograms pababa, simula 6:00 hanggang 10:00 ng umaga.
Bawal naman dumaan ang mga ito sa Northbound Lane ng EDSA at sa kahabaan ng Shaw Boulevard simula mamayang 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi.
Ang mga apektadong truck ay maari naman dumaan sa Mabuhay Lanes o kaya sa C5.
By Katrina Valle