28% lamang ng halos 1,600 local government units (LGUs) ang naka kumpleto ng pagbibigay ng social amelioration cash aid para sa mga mahihirap na pamilya sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista, nasa 459 na LGUs pa lamang ang nakakumpleto ng pamamahagi ng benepisyo na nasa P68.2-billion sa 12.5-milyong low income families at public utility vehicle drivers.
Una nang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang 5-milyon pang dagdag na beneficiary sa ilalim ng social amelioration program (SAP).