Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na all out ang kanilang kampanya laban sa child cyber pornography.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, nakikipag-ugnayan na ang kanilang ahensya sa iba pang kinakaukulang ahensya upang matugunan ang porblema sa child cyber pornography.
Sinabi ni Soliman na ang mga nailigtas mula sa mga sindikato ay isinasailalim sa rehabilitation.
Pinag-iingat naman ng kalihim ang publiko partikular ang mga kabataan upang hindi maging biktima nito.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)