Aminado ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi sapat ang 3,000 peso food stamp credit ngayong patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin, lalo ng pagkain.
Ito ang inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa kanyang pagharap sa budget briefing sa house appropriations committee.
Ayon kay Secretary Gatchalian, bagaman maaari lamang tumagal ng dalawang linggo, hindi talaga sapat ang 3,000 pesos subalit ito lamang ang kayang ibigay ng gobyerno dahil limitado ang pondo nito.
Ang naturang halaga ay napagdesisyunan ng DSWD batay sa datos ng PSA na ang food-poor ay kumikita lamang ng mas mababa sa 8,000 pesos kada buwan.