Handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa posibleng pananalasa ng severe tropical storm Karding sa Nothern Luzon.
Ayon kay DSWD assistant secretary Rommel Lopez, naka-stand-by na ang kagawaran at handa na rin ang kanilang quick response funds gayundin ang mga ipapamahaging food packs.
Sinabi naman ng PDRRMO-Cagayan na naka-red alert na sila kaugnay sa pananalasa ng bagyo.
Kabilang aniya sa kanilang paghahanda ang pre-disaster risk assessment upang malaman kung saan nila i-de-deploy ang mga rescue personnel.