Target ng Department of Labor and Employment o DOLE gayundin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na matuldukan na ang child labor sa bansa sa taong 2025.
Ito’y makaraang lumabas sa survey ng Philippine Statistics Authority o PSA na tinatayang 2.1 milyong menor de edad ang maagang napapasabak sa trabaho.
Ayon kay Labor Undersecretary Joel Maglunsod, bumuo na ang dalawang kagawaran ng isang programa para aksyunan ang nasabing problema.
Kabilang sa mga programa ay ang edukasyon para sa mga child laborer, pangkabuhayan para sa mga magulang nito at ang pinalakas na Pangtawid Pamilyang Pilipino Program o 4p’s.
By: Jaymark Dagala