Nanganganib na makulong ang mga ama na ayaw sustentuhan ang kanilang mga anak sa kanilang ex-wife, dating kinakasama, o girlfriend na naanakan.
Ito’y matapos lumagda sa isang memorandum of agreement o MOA sina DSWD Sec. Erwin Tulfo at Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta upang habulin ang mga pabayang ama na ayaw sustentuhan ang kanilang anak sa kanilang mga ex.
Ayon kay Tulfo, hindi lang ito maituturing na warning kundi sasampahan din ng kaso ang mga tatay ng bata na ayaw magbigay ng sustento sa kanilang anak.
Sinabi rin ni Acosta na walang dahilan na hindi sustentuhan ng ama ang kanyang anak lalo na kung ito ay may hanapbuhay naman o may pinagkakakitaan.
Kasabay nito, hinimok din nina Sec. Tulfo at Atty. Acosta ang mga ina na lumapit sa DSWD o PAO at ireklamo ang ama ng kanilang anak.