Nagsagawa na ng relief operations at namigay ng food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Bicol sa mga na-stranded at apektado ng bagyong Karding.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Norman Laurio, Regional Director ng DSWD-Bicol na nagtungo rin ang mga tauhan ng departamento sa pier ng Pasacaw, Sorsogon upang mamigay ng hot meals sa mga na-stranded sa pantalan.
Maliban sa food boxes, namigay rin ng non-food items para sa mga apektado. – sa panulat ni ni Hannah Oledan