Bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isapubliko ang listahan ng mga nakatanggap o beneficiaries ng emergency cash subsidies ng goibyerno sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Ito ayon kay DSWD Undersecretary Camilo Gudmalin ay sa ngalan na rin ng transparency.
Sinabi ni Gudmalin na daan din ang paglalabas ng listahan para masuring mabuti ng publiko ang mga beneficiary at kung mayruong hindi kuwalipikado ay mai report din sa mga otoridad.
Sakaling may mga hindi kuwalipikadong nakatanggap ng ayuda inihayag ni gudmalin na kailangang ibalik sa gobyerno ang naibigay na financial assistance.
Magsasagawa naman aniya sila ng validation at post audit matapos mai release ang lahat ng financial assistance base na rin sa report ng local government units (LGU)’s para matiyak na tanging mga qualifid beneficiaries lamang ang maaabot.