Bukas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa anumang tulong na maiaambag ng Angat Pinas Inc. ni dating vice president Leni Robredo.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo na kung tutulong sa programa ng DSWD ang Angat Pinas para mas mapabilis, mapagaan ang trabaho ay buong puso nila itong tatanggapin.
Ipinabatid pa ni Tulfo na ang pagtulong naman ay walang pinipiling kulay ng politika.
Ani ni Tulfo, willing sila na makipag-ugnayan sa Angat Pinas upang mas madaling maipaabot ang mga tulong, ayuda, cash assistance sa sambayanang Pilipino.