Humingi ng paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Erwin Tulfo sa mga mag-aaral at magulang na hindi nakatanggap ng educational assistance sa kabila ng pagpila ng mga ito sa batasan complex sa Quezon City ngayong araw.
Ayon sa kalihim, naghahanap na sila ng solusyon para maayos ang pamamahagi ng cash aid.
Sinabi din ni Tulfo na plano ng kagawaran na ibaba ang pera sa mga lokal na pamahalaan lamang at hindi sa mga barangay.
Nabatid na maraming estudyante at magulang ang pumila ng alas-singko pa lamang ng hapon nitong biyernes para makaabot sa cut-off ngayong araw.
Una ring inanunsyo ng DSWD na tuwing sabado hanggang Setyembre 24 ipapamahagi ang financial assistance sa mga mahihirap na mag-aaral.