Iginiit ni Iloilo Congressman Neil Tupaz ang pagpapa-imbestiga sa DSWD o Department of Social Welfare and Development kung saan napunta ang pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Binigyang diin ni Tupaz na hindi ang DSWD ang dapat na nag-iimbestiga dahil sila ang dapat na isalang sa imbestigasyon.
Una rito, nairita si Tupaz makaraang kuwestyonin ni DSWD Secretary Dinky Soliman sa Liberal Party kung bakit may partisipasyon si Tupaz sa pamamahagi ng ESA o Emergency Shelter Assistance sa Iloilo.
Tinawag na iresponsable ni Tupaz ang ginawa ni Soliman at binigyang diin na tungkulin niya bilang kinatawan ng Iloilo ang i-monitor kung saan napupunta ang pondong inilaan ng Kongreso.
By Len Aguirre