Nakatakdang gisahin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman sa ipinatawag na imbestigasyon ng kongreso sa kontrobesyal na Emergency Shelter Assistance (ESA) sa mga biktima ng supertyphoon ‘Yolanda’.
Ayaw palagpasin ni Anakpawis Partylist Representative Fernando Hicap ang isyu kaya naghain ito ng House Resolution 2322 para imbestigahan si Soliman sa nasabing usapin na sentro ngayon ng panibagong kontrobersya sa Yolanda affected area.
Pinakahuli aniya rito ang ESA program kung saan mistulang sinadya umano ng DSWD na higpitan ang kuwalipikasyon ng mga puwedeng tumanggap ng assistance kaya hindi lahat ng biktima ng bagyo ay nakatanggap ng tulong.
By Mariboy Ysibido