Handa nang rumesponde ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan nang pagputok ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ayon sa DSWD, naghanda na sila ng 25, 069 family food packs na available sa DSWD warehouse sa Legaspi City, Catanduanes at Masbate.
Bukod pa rito ang nakahandang food items na nagkakahalaga ng halos P17-M at non-food items na halos P31-M.
Sa ngayon, ini-activate na ng DSWD ang Social Welfare and Development team at quick reaction teams na makikipag-ugnayan sa Sorsogon Local Government para sa updates at tulong.