Handa na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagsaklolo sa mga residenteng maaapektuhan ng rehabilitasyon ng isla ng Boracay, sa Aklan.
Ayon kay DSWD Officer-In-Charge Emmanuel Leyco, makikipag-tulungan sila sa iba pang government agencies sa pagbuo ng isang comprehensive plan upang mabawasan ang negatibong epekto ng rehabilitasyon.
Kabilang anya sa mga problemang maaaring kaharapin ang pangambang magiba ang ilang kabahayan at mawalan ng kabuhayan ang mga residente partikular ang mga benepisyaryo ng DSWD tulad ng mga senior citizen.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa ng assessment ang ahensya hinggil sa bilang ng mga ma-ngangailangan ng kanilang tulong.