Pinaplano ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magdagdag ng maraming eksperto upang mapabuti ang mga programa ng ahensya.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi siya magpapalit ng tao sa ahensiya bagkus ay magdadagdag ng mga manggagawa para hindi maantala ang pag-deliver ng serbisyo.
Nanawagan naman ang bagong talagang opisyal sa mga social worker, nagtapos sa pag-unlad ng komunidad, larangan ng agham panlipunan at eksperto sa logistik na makipagtulungan sa DSWD.
Sinabi naman Gatchalian na nais din niyang pagbutihin ang mga serbisyo sa mga pasilidad ng pangangalaga ng dswd sa buong bansa.
Batay sa huling datos, mayroon ng 63 residential care facility sa buong bansa na tumutulong sa nalulong sa droga, mga batang sumasalungat sa batas, mga inabandona o napabayaang indibidwal, at mga biktima ng sekswal na pang-aabuso at trafficking.