Dinala na ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mahigit 1,000 ‘street children’ sa iba’t ibang activity center bago ang Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa susunod na linggo.
Gayunman, ayon kay Jhie Mojica, planning officer ng Council for the Welfare of Children, hindi ito nangangahulugan na nais itinago ng DSWD ang mga bata sa lansangan.
Giit ni Mojica, bahagi ito ng tuloy-tuloy na pag-rescue ng mga lokal na pamahalaan sa mga bata na nasa kalsada na kanilang nasasakupan.
Matatandaang ini-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang itatago na “street children” sa pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa ngayong buwan.