Inanunsiyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ina-update na nito ang nationwide list ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa DSWD, ito’y upang matiyak na matatanggal sa programa ang mga hindi kwalipikado o ineligible beneficiaries.
Matatandaang ipinag-utos ni Secretary Erwin Tulfo na tanggalan ng benepisyo ang mga kasama pa rin sa listahan kahit nakumpleto na ng kanilang anak ang education requirements.