Pinaplantsa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) at Local Government Units (LGU) ng Albay para sa protection efforts sa mga nagsilikas na residente bunsod ng pag-aalburoto ng Mayon volcano.
Naniniwala ang kagawaran na sa pamamagitan ng Emergency Cash Transfer (ECT) matutulungan ang mga ito sa kanilang mga kailangan tulad ng pagkain, gamot, at iba pa, sa panahon ng disaster response phase.
Nabatid na ang ECT ay isang adaptive strategy ng kagawaran para sa mga pamilyang naapektuhan ng sakuna.