Itinanggi ng DSWD na nadelay ang pamamahagi ng relief goods para sa mga biktima ng lindol sa Surigao City nitong nakalipas na weekend.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo walang anumang kautusan ang Pangulong Rodrigo Duterte na ibinbin ang pagpapalabas ng relief goods at hintayin ang Pangulo bago ipamahagi ang tulong sa mga biktima ng lindol.
Sinabi ni Taguiwalo na nag ikot pa ang DSWD-CARAGA sa mga apektadong lugar nuong Sabado ng umaga para mabatid ang danyos ng naturang lindol.
Inihayag ni Taguiwalo na matapos ang pulong ng DSWD-CARAGA sa local officials kaagad nilang pinagkalooban ng relief goods ang mga biktima ng lindol na pawang beneficiaries ng 4P’s program dahil mabilis itong ma verify at ma validate.
Sinasabing alas 5:00 pa lamang ng umaga nuong Sabado ay naghihintay na ng relief goods ang mga biktima ng lindol subalit nabigyan ng ayuda alas 2:00 na ng hapon o isang oras matapos dumating ang Pangulong Duterte sa Surigao City.
By: Judith Larino