Pinabulaanan ng Department of Social Welfare and Development na mayroong alokasyon mula sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para sa mga mambabatas.
Ito’y kasunod ng kontrobersyal na isyu na sinasabing may 5 bilyong pisong alokasyon ng AKAP para sa Senado habang 21 bilyong piso ang sinasabing nakalaan para sa House of Representatives.
Ayon kay Social Welfare and Development Assistant Secretary Irene Dumlao, dadaan pa rin sa assessment at proseso ng ahensya ang irerekomendang benepisyaryo ng mga mambabatas.
Giit pa ni Asec. Dumlao, sila mismo ang pangunahing implementor ng AKAP Program. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo