Tila iwas-pusoy ang Department of Social Welfare and Development hinggil sa ulat na may nahukay na mga nabulok na relief goods sa barangay Maca-alang, bayan ng dagami sa Leyte.
Base sa ulat, ang mga nahukay na goods ay may marka ng National Food Authority at may nakasulat na Department of Social Welfare and Development.
Una rito, inamin ng DSWD na may ilang mga relief goods na nakalaan para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nag-expire kung kaya’t ibinaon na lamang sa lupa.
“Sa ngayon hindi pa namin mako-confirm o made-deny yung kwento hangga’t mapuntahan ng aming field office yung lugat at makuha ang detalye,” paliwanag ni DSWD Assistant Sec. Javier Jimenez.