Kumikilos na ang DSWD o Department of Social Welfare and Development kaugnay sa pagtugon sa mga relief goods para sa mga nasalanta ng bagyong Urduja lalo na sa lalawigan ng Eastern Samar.
Ayon kay DSWD Acting Secretary Emmanuel Leyco, matapos silang makatanggap ng ulat na nauubos na ang suplay ng mga evacuees sa naturang lalawigan ay agad na nagsagawa ng pulong ang ahensya para talakayin ang pagpapalabas ng karagdagang pondong gagamitin sa mga food packs na ipapamahagi.
Tiniyak din ni Leyco na bukod pa sa mga nauna ng naipalabas na pondo ay may naka antabay na pondong nagkakahalaga ng 762 million pesos na gagamitin para sa pagkain ng daan-daang pamilyang naninirahan sa dadaanan ng bagyong Urduja.