Magbibigay ng dagdag na P600.00 rice subsidy ang Department of Social Welfare and Development o DSWD sa mga benepisyaryo ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sisimulang ibigay ang dagdag na subsidiya ngayong buwan.
Sinabi ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na layong tugunan ng rice subsidy ang kagutumang nararanasan ng mga mahihirap.
Saklaw, aniya, ang rice subsidy ng mahigit P78-B pondo ng 4P’s na mayroong mahigit 4-M benepisyaryo sa buong bansa.
By Avee Devierte